top of page

Maritime and Land Transportation Initiatives, tinalakay sa pagitan ng MOTC at Basilan LGU

  • Diane Hora
  • Oct 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni Ministry of Transportation and Communications Minister Termizie Masahud ang pulong sa pagitang ng mga local government officials sa buong probinsya ng Basilan kasama sina Director General Atty. Roslaine Macao-Maniri at iba pang executive officials ng MOTC noong a-bente uno ng Oktubre.


Nanguna sa pulong si Governor Mujiv Hataman, Vice Governor Jim Salliman Hataman, Lamitan City Mayor Oric Furigay, Maluso Mayor Kaiser Hataman at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.


Layunin ng pagtitipon na talakayin ang mga kasalukuyang programa at mga planong pangkaunlaran ng MOTC para sa sektor ng transportasyon at komunikasyon sa buong lalawigan.


Pinagtutuunan din ng pansin ang operational concerns ng mga pantalan sa Lamitan at Maluso, na mahalagang bahagi ng ekonomiya at logistical connectivity ng probinsya.


Nagbigay-daan ang pulong ayon sa MOTC BARMM upang magkaroon pa ng mas masinsinang talakayan sa pagitan ng MOTC at mga lokal na opisyal upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga proyekto sa maritime at land transport.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page