top of page

Mas maayos na connectivity at infrastructure upang mas mapalago ang turismo sa BARMM, binigyang diin ni DOT Secretary Maria Christina Frasco sa BARMM TOURISM SUMMIT 2025

  • Diane Hora
  • Sep 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pagbubukas ng BARMM Tourism Summit 2025 sa Cotabato City, araw ng Martes, September 16, binigyang-diin ni Secretary Christina Frasco ang pangangailangan ng mas maayos na connectivity at infrastructure upang mas mapalago ang turismo sa rehiyon.


Isa rin sa binigyang diin nito ang usapin sa mataas na airfare, regulasyon at maintenance ng airports, at pagbubukas ng kompetisyon sa aviation sector upang maging mas abot-kaya ang biyahe papasok at palabas ng BARMM.


Bukod sa mga opisyal mula sa national government, BARMM ministries, nakiisa rin ang mga international partners sa aktibidad.


Sinabi ni Cotabato City Mayor Mohammad Bruce Matabalao sa kanyang talumpati na handa ang lungsod na maging pangunahing gateway ng turismo at investments sa BARMM.


Naghayag naman ng interes at suporta sina Indonesian Consul General Agus Trenggono at Malaysian Consul General Deddy Faisal Ahmad Salleh.


Suportado ni Chief Minister Abdulraof Macacua, ang pagpapatupad ng Bangsamoro Tourism Development Plan 2024-2033.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page