MASAAJID OF THE WORLD: MINIATURE MASJID COMPETITION 2026 Tampok sa Tennun Pakaradjaan sa Ramadhan 2026 ng Provincial Government ng Basilan; P200K-P300K, tinanggap ng mga nagwagi sa kompetisyon
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

Isang malaking tagumpay para sa Provincial Government ng Basilan ang idinaos na Masaajid of the World: Miniature Masjid Competition, na bahagi ng Tennun Pakaradjaan sa Ramadhan 2026 ng probinsya.
Ipinaabot ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang pagbati sa lahat ng lumahok at nagpamalas ng kanilang galing sa sining.
Bagaman hinirang ang Shah Mosque of Iran ng LGU - Isabela City bilang top scorer ng Masaajid Competition based sa official tabulation, nagbigay daan ang LGU-Isabela City sa iba pa nitong katunggali.
First Place, ang Kairoun Grand Mosque ng Bangsamoro Commission on Human Rights Basilan na tumanggap ng P300,000
Pumangalawa ang Mosque of Djenne ng Provincial Engineers Office na tumanggap ng P250,000.
Pangatlo ang Cologne Central Mosque ng Bureau of Internal Revenue RDO 94 na tumanggap ng P200,000.
Mayroon ding Special Awards para sa Best in Narrative and Storytelling ang 60 Dome Mosque of Bangladesh ng MBHTE-Basilan
Best in Cultural Representation ang Shah Mosque of Iran ng LGU-Isabela City
P50,000 ang kaloob ng LGU bilang Consolation Prize sa lahat ng participating office sa naturang competition.



Comments