Matagal nang pinaghahanap na murder suspect, arestado ng mga awtoridad sa isang manhunt operation sa bayan ng Maragusan, Davao de Oro
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang indibidwal na nahaharap sa kasong murder sa ikinasang joint manhunt operation ng kapulisan.
MANHUNT OPERATION / SERVICE OF WARRANT OF ARREST
Barangay Poblacion, Maragusan, Davao de Oro
Isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Maragusan Municipal Police Station, katuwang ang Davao de Oro Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, at mga tauhan ng Mobile Force Company, ang operasyon matapos makumpirma ang presensya ng suspek sa nasabing lugar.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder, na inisyu ng Regional Trial Court, na walang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maragusan Municipal Police Station ang suspek para sa wastong dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.



Comments