top of page

MATAGUMPAY NA ARTIFICIAL INSEMINATION PROGRAM Nagresulta ng isang malusog na calf o guya, gamit ang improved genetics mula sa Holstein Friesian breed

  • Apr 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian, patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Norte na i-modernize ang livestock production at palakasin ang agricultural development para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.


Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mga programang nagpo-promote ng genetic improvement—nagbubukas ng mas malaking oportunidad para sa mga livestock raisers at tumutulong sa pagbuo ng mas matibay at mas produktibong herds sa lalawigan.


Nagpasalamat din ang pamahalaan sa mga magsasaka na nagtiwala at tumangkilik sa Artificial Insemination bilang makabagong paraan para mapabuti ang kanilang produksyon. Kinilala rin ang dedikasyon ng mga AI technicians na patuloy na nagseserbisyo sa field upang matiyak ang tagumpay ng bawat programa.


Isang patunay na sa tulong ng kooperasyon, innovation, at serbisyo, unti-unting naitataguyod ang mas progresibong sektor ng agrikultura sa Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page