top of page

Mayor Bruce Matabalao, magbibigay ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang mga taong responsable sa nangyaring pamamaril sa lungsod kung saan 2 ang patay at 3 ang sugatan

  • Teddy Borja
  • Sep 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Magbibigay ng pabuya si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang mga taong responsable sa pamamaril sa kapitan ng Poblacion 5, Cotabato City na si Pahima Pusaka kasama ang mister nito at ang dalawa nilang menor de edad na mga anak.


Ito ang ibinahaging impormasyon ng Cotabato City Police Office.


Nasawi sa pamamaril, umaga ng Martes sa Jose Lim Street ng lungsod, ang mister ng kapitan na si Mike Pusaka, habang sugatan ito at ang kanilang dalawang anak.


Nasawi rin sa pamamaril ang isang tricycle driver na tinamaan ng bala sa insidente.


Nanawagan ang Cotabato City Police Office sa sinumang mapagbigay ng impormasyon na makipagtulungan sa kanila.


Sinabi ng awtoridad na lahat ng impormasyon ay magiging confidential at poprotektahan ang informant alinsunod sa batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page