top of page

Mayor Datu Armando Mastura Men’s and Women’s Volleyball Tournament 2026, sinimulan na

  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH



Binuksan na gabi ng Lunes, Enero 19, 2026, sa Sultan Mastura Gymnasium ang volleyball tournament na layong palakasin ang sports development at pagkakaisa ng kabataan sa munisipalidad.


Pinangunahan ang pagbubukas ng palaro sa pangunguna ni Mayor Datu Armando Mastura Sr., kasama ang kinikilalang volleyball founder at maybahay nito, Bai Ronda Mastura, at ang Municipal Sports Coordinator at dating alkalde na si Datu Armando Mastura Jr.


Nakiisa rin sa okasyon ang mga SK chairpersons ng iba’t ibang barangay, gayundin ang hanay ng PNP Sultan Mastura Municipal Police Station sa pamumuno ni police major Albert Carbongco, bilang bahagi ng seguridad at suporta sa aktibidad.


Bahagi rin ng programa ang mga officiating officials mula sa Cotabato City Balibolista, sa pangunguna ni Mr. Jeybi Reoyan, na siyang nangangasiwa sa maayos at patas na takbo ng mga laro.


Tampok sa torneo ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang barangay ng Sultan Mastura sa men’s category, na inaasahang magpapakita ng husay, disiplina, at diwa ng sportsmanship.


Ayon sa mga opisyal, higit pa sa kompetisyon ang layunin ng palaro—ito ay pagbibigay ng plataporma sa kabataan upang maipamalas ang talento, mapalayo sa bisyo, at mapatatag ang diwa ng pagkakaisa sa komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page