top of page

Mayor Datu Shameem Biruar Mastura, kinilalang Mindanao Top Performing Mayor sa unang 100 araw at ikalawang quarter ng 2025

  • Jan 13
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang pagkilalang ito ay isinagawa sa ilalim ng programang Transparency, Good Governance and Accountability ng Kalinaw Mindanao, na sumukat sa antas ng kasiyahan ng publiko sa pamumuno ng mga lokal na punong ehekutibo. Batay sa ulat, 5,000 adult respondents ang lumahok sa survey na may ±3% margin of error at 95% confidence level, at isinagawa mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 10, 2025.


Ayon sa Kalinaw Mindanao, ang mataas na marka ni Mayor Mastura ay sumasalamin sa positibong pagtanggap ng mamamayan sa kanyang pamumuno sa unang 100 araw sa panunungkulan at sa ikalawang quarter ng 2025—panahong kritikal sa pagtatakda ng direksiyon ng pamahalaang lokal.


Ipinunto sa ulat na ang mga alkalde ay may malawak na tungkulin bilang local chief executive, kabilang ang pagpapatupad ng mga patakaran, programa at proyekto ng lokal na pamahalaan; pagpapatupad ng mga ordinansa at batas; at pangunguna sa paglikha at episyenteng paggamit ng pondo at yaman ng bayan para sa kaunlaran.


Sinuri ang mga Top Performing Mayors batay sa ilang mahahalagang pamantayan, gaya ng service delivery sa kalusugan, edukasyon, imprastraktura at public safety; financial management at maayos na paggamit ng pondo; economic development at paglikha ng hanapbuhay; leadership at good governance na may diin sa transparency at accountability; social initiatives para sa mahihirap, matatanda at kabataan; environmental conservation; at citizen engagement sa pamamagitan ng konsultasyon at bukas na komunikasyon sa mamamayan.


Itinuturing ng mga tagamasid na ang pagkilalang ito ay patunay ng lumalakas na tiwala ng publiko sa pamumuno ni Mayor Mastura at sa direksiyong tinatahak ng Pamahalaang Bayan ng Sultan Kudarat tungo sa mas malinaw, tapat, at inklusibong pamamahala.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page