top of page

Mayor Datu Shameem Biruar Mastura, namahagi ng school supplies at pinasaya ang mga mag-aaral ng Hadji Edza Memorial Elementary School sa isinagawang BISITA ESKWELA

  • Diane Hora
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bitbit ang pag-asa para sa mga mag-aaral—

Binisita ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar Mastura ang mga mag-aaral ng Hadji Edza Memorial Elementary School sa Barangay Gang, Sultan Kudarat noong nakaraang linggo.


Sa ilalim ng “Bisita Eskwela” Program ng alkalde, namahagi ito ng school supplies at cleaning materials para sa mga mag-aaral at guro, upang matiyak na may sapat silang kagamitan.


Pero hindi lang iyan, dahil may dala pang Magician si Mayor, nagbigay ng libre gupit at naghandog ng mga masasarap na pagkain.

Nagbigay naman ng isang laptop para sa paaralan si Maguindanao del Norte with Cotabato City, Congresswoman Bai Dimple Mastura.

Layunin ng programang ito na magbigay ng suporta at inspirasyon sa mga estudyante at guro sa bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page