MBHTE, isasailalim sa special audit ng COA hinggil sa umano’y ma-anomalyang disbursements ng ministry kabilang ang mahigit 1.7 billion pesos payment na ginawa sa loob ng isang araw
- Diane Hora
- Aug 27
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ipinakitang dokumento ng isang national radio station-
may petsa na August 11, 2025 ang liham na ipinadala ng Commission on Audit kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Nakasaad ang mga usapin hinggil sa reklamo laban sa MBHTE hinggil umano sa ma-anomalyang dibursements.
Tinukoy sa liham ang mahigit 1.7 billion pesos payment na ginawa sa loob ng isang araw at ang mahigit 449 million pesos na payment sa isang supplier.
Sinabi din sa liham na magsasagawa ng special audit ang COA.
Sa liham, ipinapaalam din ng COA kay Macacua ang pagbuo ng special audit team at hinihiling ng COA ang tulong ng opisyal para sa audit team at para sa buong period ng isasagawang audit.
Sinisikap ng newsteam na makuhanan ng panig ang tanggapan ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua kung ano na ang kanilang naging aksyon at sinisikap din ng newstam na makuhanan ng kanilang pahayag ang MBHTE at si Education Minister Mohagher Iqbal hinggil sa usapin.



Comments