top of page

MBHTE, nakiisa sa paggunita ng Global Handwashing Day

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang itaguyod ang kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kamay—

Isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang iba’t-ibang aktibidad bilang pakikiisa sa paggunita bg Global Handwashing Day.


Nagsagawa ng Poem Writing with Performance Competition para sa elementary level sa buong Bangsamoro region kung saan itampok ang kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kamay bilang isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang sakit at mapanatili ang kalusugan ng bawat mag-aaral.


Ang aktibidad ay nagbigay-daan hindi lamang sa pagpapahayag ng galing sa sining at panitikan, kundi pati na rin sa pagtuturo ng mabuting gawi at malasakit sa kapwa.


At sa pagtatapos ng kompetisyon, nagwagi sa Poem Writing with Video Performance Contest sina Axel Joaquin Merciadez mula sa Cotabato City na nasungkit ang 1st Place, 2nd Place naman si Marzeeyah Madeeha Pia mula sa Maguindanao del Norte at 3rd Place Reema Taha mula sa Basilan.


Para sa Secondary Level students naman, nagsagawa ng Comic Strip Contest kung saan makukulay na guhit at makabuluhang mensahe ang laman ng kanilang comic strip na tunay na kapupulutan ng aral.


Sa paraang ito, ipinapaalala sa mga kabataang Bangsamoro ang kahalagahan ng proper hand hygiene bilang proteksyon laban sa mga sakit.


Wagi naman sa patimpalak ang mga mag-aaral na sina Jean Radha D.G. Asali mula sa Lamitan City na nasungkit ang 1st Place, 2nd Place si Mary Joy Fuentebaja mula sa Maguindanao del Norte at 3rd Place si Alfaisal Wahab mula sa Marawi City.


Ipinagmamalaki ng MBHTE ang mga kabataang ito na ginamit ang kanilang talento at pagkamalikhain upang itaguyod ang kalusugan at disiplina sa komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page