top of page

MBHTE, pinangunahan ang oathtaking and appointment signing ng 239 newly-hired and promoted teaching and non-teaching personnel

  • Diane Hora
  • Oct 16
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Naging matagumpay ang isinagawang mass signing of appointments at oath taking ceremony kahapon, a kinse ng Oktubre, sa Notre Dame Village Central Elementary School Covered Court.

Pinangunahan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang seremonya para sa newly appointed and promoted teaching personnel mula sa Schools Division Offices ng Maguindanao del Norte at Marawi City.


Sa kabuuan, nasa 238 teaching personnel at 1 non-teaching personnel ang pormal na tinanggap sa MBHTE kung saan isang daan at pito rito ay Maguindanao del Norte at nasa isang daan at tatlumpo’t isa naman ang mula Marawi City.


Ayon sa MBHTE, ang lahat sa kanila ay pumasa sa masusing hiring process na isinagawa ng Regional Human Resource Merit Promotion and Selection Board.


Bahagi na ang mga bagong talagang kawani ng MBHTE workforce kung saan ang layunin ay isulong ang kalidad na serbisyo, inclusive at transformation education na nagsisigurong “No Bangsamoro learner is left behind.”


Sa mensahe ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal, hinikayat nito ang mga bagong talagang kawani na manatiling tapat sa patuloy na kaalaman para matuto at propesyonal na pag-unlad upang mas mahusay na mapagsilbihan ang mga mag-aaral sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page