top of page

MDS Provincial Government, nagsagawa ng G.I.V.E. H.E.A.R.T. Medical Mission at iba pang programa para sa inklusibong kaunlaran sa South Upi

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang araw ng malasakit, serbisyo at pagkakaisa ang isinagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang sa bayan ng South Upi noong October 31.


Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Maguindanaon sa ilalim ng programang “Serbisyong May Puso”.


Sa ilalim ng inisyatibang G.I.V.E. H.E.A.R.T. Medical Mission, personal na inihatid ng pamahalaang panlalawigan ang libreng serbisyong medikal gaya ng check-up, dental services, bunot ng ngipin, tuli, libreng salamin sa mata, gamot, tsinelas at feeding program.


Kasabay naman nito ay inilunsad din ang Integrated Agri-Fishery Development and Resilience Program kung saan mamamahagi ng makinarya, agricultural inputs at mga pagsasanay sa crop production.


Layunin ng programang ito na palakasin ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda at matulungan silang maging resilient at produktibo.


Bilang bahagi rin ng pagdiriwang, ginunita ang 28th Indigenous Peoples Month and IPRA Commemoration upang kilalanin ang mayamang kultura, karapatan at ambag ng mga katutubong pamayanan sa probinsya.


Sa temang “Hinabing Kalinangan, Masaganang Kinabukasan: Pagsasakapangyarihan sa mga Katutubong Pamayanan bilang Saligan ng Likas-Kayang Kaunlaran”, muling pinagtibay ng pamahalaan ang adbokasiyang isulong ang inklusibong pag-unlad para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page