Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity o MRSIA kick-off, isinagawa rin sa lalawigan ng Basilan
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Noong Enero 19, matagumpay na inilunsad ang MRSIA Kick-Off sa Tabuan Lasa sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Tabuan Lasa sa pamumuno ni Moner Manisan at ng Rural Health Unit ng bayan na pinamumunuan ni Edison Ballaho, kasama ang mga RHU staff.
Malaki ang naging suporta ng mga kawani ng LGU, health workers, security sector, at mga magulang—na sama-samang nagpakita ng pagkakaisa at malasakit para sa kalusugan ng mga bata at pamilya sa munisipalidad.
Aktibong lumahok sa aktibidad ang Provincial Health Office, upang matiyak ang maayos at matagumpay na implementasyon ng kampanya.
Ipinaliwanag ng IPHO ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan, lalo na para sa mga ina at bata. Hinikayat ng tanggapan ang mga magulang na lubos na gamitin ang mga serbisyong pangkalusugan na abot-kamay sa kanilang mga komunidad bilang pangunahing depensa laban sa mga sakit.
Dagdag ng mga health officials sa lalawigan ang layunin at kahalagahan ng MRSIA sa pagprotekta sa mga bata laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Tinalakay rin ang pagwawasto sa mga maling paniniwala at impormasyon tungkol sa immunization, at binigyang-diin ang papel ng breastfeeding, bitamina, at wastong nutrisyon sa malusog na paglaki ng bata.



Comments