top of page

Medical allowance ng mga kawani ng MBHTE, matatanggap na

  • Diane Hora
  • Oct 16
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Inanunsyo ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education na ang Medical Allowance para sa lahat ng teaching at non-teaching personnel sa ilalim ng apat na directorates ay pino proseso na ng Land Bank of the Philippines.


Ipinapaalam ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa lahat ng mga empleyado ng ministry na ang Medical Allowance para sa lahat ng teaching at non-teaching personnel sa ilalim ng apat na directorates ay pino proseso na ng Land Bank of the Philippines.


Sa ipinost ng ministry sa kanilang official facebook page, nadala na sa LBP ang mga kailangang dokumento at hinihiling nalang ng ahensya sa lahat ng mga benepisyaryo na magbigay ng sapat na oras sa bangko upang maisagawa ang pagproseso sa naturang allowance sa kani-kanilang mga account sa loob ng linggong ito.


Pinasalamatan ng ministry ang mga guro at kawani sa kanilang patuloy na dedikasyon at serbisyo para sa sektor ng edukasyon sa Bangsamoro region.


Ang Internal Implementing Guidelines on the Grant of Medical Allowance to MBHTE-BARMM Personnel ay iilalathala din ng MBHTE sa kanilang facebook page sa mga susunod na araw.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page