top of page

Mekaniko, construction worker, at magsasaka, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Malungon, Sarangani Province

  • Teddy Borja
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang mekaniko, construction worker at magsasaka sa ikinasang buy-bust operation ng Malungon Municipal Police.


Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Lou”, 45 years old, residente ng nasabing bayan, alyas “Jr.”, 45 taong gulang at alyas “Jok-jok”, 38-anyos pawang residente ng General Santos City.


Inaresto ang mga ito alas 8:00 ng gabi, araw ng Sabado, October 11 sa Barangay Malandag.


Nakuha sa mga ito ang 54,400 pesos na halaga ng suspected shabu na tumitimbang ng 8 gramo, buy-bust money at cellular phone.


Agad dinala sa PDEA 12 Office sa Koronadal City ang mga suspek para sa proper documentation at paghahain ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page