top of page

Member of Parliament at BTA Floor Leader, Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, kabilang sa TOWNS 2025 awardees

  • Diane Hora
  • Oct 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Umani ng pagbati si Member of Parliament at BTA Floor Leader, Atty. Sha Elijah Dumama-Alba bilang isa sa “The Outstanding Women in the Nation’s Service” o TOWNS awardees ngayong taon dahil sa hindi matatawarang ambag nito sa peacebuilding at good governance.


Ipinagmamalaki ng Bangsamoro Government ang prestihiyosong pagkilalang ito na nagpapakita ng kanyang tapat na serbisyo publiko, integridad at dedikasyon sa moral governance.


Sa kanyang pamumuno noon bilang Bangsamoro Attorney General at Minister ng Interior and Local Government, inspirasyon ang opisyal ng mga kababaihang Bangsamoro na manguna nang may tapang, malasakit at kahusayan.


Si Atty. Dumama-Alba ay isang abugadong Bangsamoro na nanguna sa pagtataguyod ng makatarungan at inklusibong pamamahala sa rehiyon.


Nang itatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong 2019, siya ang hinirang bilang kauna-unahang Attorney General ng rehiyon.


Noong 2022, siya ay naging miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament. Nagsilbi rin siya bilang MILG minister mula 2023 hanggang 2025.


Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Public Administration mula sa University of the Philippines Diliman, kung saan isa rin siya sa pitong alumni ng UP na ginawaran ng TOWNS Award ngayong taon.


Kasama rin sa awardees ng TOWNS ay sina Atty. Maria Kristina Conti isang human rights lawyer at activist, Dr. Decibel Faustino-Eslava na isang geologist, researcher at educator, Dr. Maria Cielo Magno na isang economist at educator, Col. Francel Margareth Padilla-Taborlupa na nanguna sa mga makabago at paunang hakbang sa larangan ng cybersecurity at Dr. Katherine Ann Reyes na kinikilala dahil sa kanyang research at leadership in public health.


ree

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page