top of page

MGA ARMAS, NASAMSAM NG MILITAR! Sa isinagawang combat patrol sa bayan ng Talitay, Maguindanao del Norte

  • Mar 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ng mga tauhan ng 1st Mechanized Infantry (Lakan) Battalion ang limang (5) high-powered firearms, mga magasin, bala, at iba pang war material sa isinagawang combat patrol sa Brgy. Gadungan, Talitay, Maguindanao del Norte, alas 2:00 ng hapon ngayong Biyernes, March 20.


Kabilang sa mga nakumpiskang armas at kagamitan ang ay Isang (1) 5.56mm M16A1 Rifle (Elisco), Isang (1) 7.62mm M14 Rifle; Dalawang (2) 5.56mm M653 Carbines (Elisco); Isang (1) 40mm M79 Grenade Launcher; Dalawampu’t isang (21) magasin; Tatlong (3) 40mm rifle grenades.


Ikinasa ang operasyon sa pamumuno ni Lt. Col. William Sabado, Commanding Officer ng 1st Mech matapos makatanggap ng sumbong mula sa komunidad hinggil sa presensiya ng armadong grupo.


Patuloy ang isinasagawang security at clearing operations ng mga pwersa ng pamahalaan upang matunton at mapanagot sa batas ang mga nagmamay-ari ng iligal at hindi lisensiyadong mga baril.


Sinabi naman ni 6th ID at Joint Task Force Central Commander, Major General Jose Vladimir Cagara, na ang pagkakarekober ng mga armas ay isang malaking hakbang sa pagpigil sa posibleng karahasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page