top of page

Mga batas at patakaran na magpapatibay pa sa public transporation sa BARMM, tinalakay sa pulong ng mga opisyal at kawani ng BLFRB ng MOTC

  • Diane Hora
  • Oct 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinagtitibay pa ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga bagong patakaran at batas ng tanggapan.

Sa pulong na isinagawa ng BLTRB na pinangunahan ni Ministry of Transportation and Communication Minister at Board Chairman Termizie Masahud, tinalakay ang ilang patakaran at programa para sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon sa Bangsamoro region.

Isa sa mga pangunahing naging desisyon ng BLTFRB ay ang pag-adopt ng Memorandum Circulars ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board bilang hakbang na magiging ayon ang national policies sa konteksto ng Bangsamoro.

Layunin nitong tiyakin na ang mga panuntunan ng BLTFRB ay alinsunod sa national policies habang isinasaalang-alang ang mga natatanging pangangailangan ng rehiyon.

Tinalakay rin ng BLTFRB ang mga panukalang pagbubukas ng mga bagong ruta at ang pag-uuri ng mga pampublikong sasakyan sa Bangsamoro.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng malinaw na gabay ang mga transport operator at mananakay pagdating sa ligtas at maayos na transport services.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page