Mga contingent mula sa Upi at Sultan Kudarat, kampeon at second runner-up sa makulay na Hinugyaw Festival Street Dance competition sa Koronadal City
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa isang mensaheng pagbati, kinilala ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte ang mga contingent ng Sultan Kudarat at Upi, na hindi lamang nagpakita ng galing, kundi nag-uwi rin ng parangal at pagkilala sa lalawigan sa ginanap na Hinugyaw Festival 2026.
Nanguna sa kompetisyon ang Saint Francis Episcopal School of Upi Inc. Performing Arts Guild mula sa Upi, matapos tanghaling Champion. Naiuwi rin ng grupo ang mga parangal na Best Production Design, Best in Street Dance, at Best Musicality, patunay ng kanilang kahusayan sa konsepto, galaw, at musicality.
Samantala, itinanghal namang 2nd Runner Up ang Sultan Kudarat Performing Arts Ensemble mula sa Sultan Kudarat, na nagpamalas din ng disiplina, koreograpiya, at malalim na paggalang sa lokal na kultura.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang tagumpay sa Hinugyaw Festival ngayong taon ay patunay na ang Maguindanao del Norte ay mayaman hindi lamang sa tradisyon kundi pati sa talento at malikhaing kakayahan ng mga mamamayan nito.
Binigyang-pugay ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng mananayaw, choreographer, musikero, at mga sumuporta sa likod ng entablado na naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang.



Comments