Mga empleyado ng provincial government ng Basilan, sumailalim ng 2 araw na seminar hinggil sa Values Reorientation at Strategic Performance Management System o SPMS
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sumailalim sa dalawang araw na serminar hinggil sa Values Reorientation at Strategic Performance Management System o SPMS ang mga empleyado ng provincial government ng Basilan.
Pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office ang seminar kung saan naging bukas ang talakayan tungkol sa tamang mindset sa public service—kung paano isinasabuhay ang malasakit, pananagutan, at pagiging tapat sa tungkulin.
Pinag-usapan din nang malinaw kung paano gumagana ang SPMS at performance calibration: ano ang target, sino ang may pananagutan, at paano mas mapapabilis ang trabaho nang hindi isinasakripisyo ang integridad.
Bahagi rin ito ng paghahanda ng pamahalaang panlalawigan sa pagbalangkas ng Office Performance Commitment and Review o OPCR at Individual Performance Commitment and Review (IPCR)—mga pamamaraan na tumitiyak na magkakaugnay ang layunin ng bawat tanggapan at ang ambag ng bawat kawani.
Nagbahagi ng mahahalagang insights at praktikal na gabay ang mga resource na kinabibilangan nina Nulkaisa Alidain, Acting PHRMDO Ma. Emily Trumata, Office of the Provincial Governor Chief of Staff Mojaheden Cosain, at Civil Service Director for Basilan and Sulu Gil Caburnay. Binigyang-diin nila na ang performance management ay hindi lang dapat “paper compliance", kundi konkretong resulta na tunay na nararamdaman hanggang sa antas ng barangay.
Sa huli, malinaw ang layunin ng aktibidad: serbisyong may values, may malinaw na sistema, at bukas sa patuloy na pagbuti.



Comments