top of page

MGA GAMOT AT MEDICAL EQUIPMENT Itinurn over ng Project TABANG sa ilalim ng SAM sa Rural Health Unit ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang turnover, araw ng Huwebes, March 5, sa pamamagitan ng Health Ancillary Services ng Project TABANG bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang mga serbisyong pangkalusugan sa komunidad at mapabuti ang access ng mga residente sa mahahalagang serbisyong medikal.


Ayon sa pamunuan ng programa, patuloy na nagbibigay suporta ang Project TABANG, sa pangunguna ni Project Manager Brahim Lacua, sa mga institusyong pangkalusugan at iba pang sektor sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot, medical supplies, at kagamitan.


Layunin ng inisyatibong ito na mapalakas ang serbisyong pangkalusugan at kapakanan ng mga komunidad sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro region.


Ang Serbisyong Ayudang Medikal (SAM) sa ilalim ng Project TABANG ng isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page