top of page

Mga guro sa BARMM, patuloy ang pagsasanay upang mas maging epektibo sa paghahatid ng kalidad na edukasyon sa mga kabataan

  • Diane Hora
  • Oct 20
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Maraming learning at educational gaps na hinaharap sa Bangsamoro region kaya naman puspusan ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education na bigyang kapasidad ang mga guro upang maayos at epektibo ang kanilang pamamaraan sa pagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral.


Sa tulong ng Australian Government, umarangkada ang seye ng mga training programs sa mga public school, madaris at Abot-Kaalaman sa Pamilyang Bangsamoro o AKAP learning centers sa BARMM.


Ang mga pagsasanay na ito ayon sa MBHTE ay hindi lamang umano isang profressional development kundi isa itong pag-asa para sa edukasyon.


Sumailalim sa refresher workshops ang mga guro kasama ang Tawi-Tawi kung saan nakatuon ang training sa numeracy, literacy, socio-emotional learning, child protection at engaging parent-volunteers na suportahan ang edukasyon.


Nakatulong din umano ito sa mga guro kung paano gawing isang inclusive classroom ang kanilang mga silid.


Ayon sa isang guro na mula Tawi-Tawi, ang mga Kabataang Badjao ay madalas di umanong nabu-bully sa classroom dahil sa kanilang pamamaraan sa buhay ngunit sa tulong ng inclusion sessions sa isinagawang refresher trainings, natutunan umano nilang mga guro at maging ang mga mag-aaral na pairalin ang pagtanggap sa bawat isa sa kabila man ng pagkakaiba-iba ng pinanggalingan at tribo.


Naging daan din ito upang magkaroon ng mga istratehiya sa mga aktibidad sa classrooms upang magkaintindihan at magkaroon ng mga kaibigan ang mga mag-aaral.


Nagpapasalamat din ang mga guro sa Australian Government at MBHTE sa suporta sa mga kabataan lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.


Sa datos ng MBHTE, nasa dalawang daang mga guro sa mainland at island provinces ang natuto sa Abot Kaalaman: Aklat ng Kabataan, isang Teaching and Learning Package para sa K-3 Learners sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page