Mga hakbang para sa pangmatagalang kapayapaan sa Basilan, pinalalakas pa ng provincial government; BPIR program, pinalalakas pa
- Dec 31, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang paglulunsad ng Basilan People’s Islamic Reconciliation o BPIR Program kasabay ng limang-araw na Training–Workshop para sa Local Mediators at Reconcilers.
Sinimulan ito a-15 ng Disyembre at nagtapos a-19 ng ng buwan sa Zamboanga City.
Layunin ng programa na pagtibayin ang kapayapaan at pagkakaisa sa mga komunidad ng Basilan sa pamamagitan ng Islamic-based reconciliation na nakaangkla sa mga prinsipyo ng sulh o pagkakasundo, hikmah o karunungan, at adl o katarungan upang makamit ang isang Basilan na ligtas, may dignidad, at may pag-asa para sa lahat, muslim, Kristiyano, at Katutubo—sa pamamagitan ng patuloy na dayalogo at pagtutulungan.
Pinangasiwaan ang aktibidad ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Mujiv Hataman katuwang ang Basilan Provincial Council of Elders (Darul Ifta’–Basilan) at Katilingbanong Pamahandi sa Mindanaw Foundation Inc.
Dinaluhan ito ng 35 kalahok na binubuo ng mga ulama, community elders, at religious at traditional leaders mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod ng lalawigan.
Binigyang-diin ni Governor Mujiv Hataman na ang pangmatagalang kapayapaan ay nag-uugat sa mismong komunidad at pinatatatag ng mga prosesong nakaugat sa pananampalataya at pagkakakilanlan ng mga Basileño.



Comments