Mga housing program sa rehiyon, susi sa malaking pagbaba ng poverty incidence ayon kay BARMM Spokesperson Mohd Asnin Pendatun
- Diane Hora
- Oct 9
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ginanap na 2nd Bangsamoro Housing and Human Settlements Forum kamakailan, sinabi ni BARMM Spokesperson Mohd Asnin Pendatun, na kumatawan kay Chief Minister Abdulraof Macacua, na patuloy na pinagbubuti ng Bangsamoro Government ang mga programa sa pabahay at human settlements para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Aniya, ang pagbaba ng antas ng kahirapan ay isang makasaysayang tagumpay, dahil sa unang pagkakataon ay hindi na ang BARMM ang pinakamahirap na rehiyon sa bansa.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority bumaba sa 23.5 percent ang poverty incidence sa BARMM noong 2023, mula sa 55.9 percent noong unang semester ng 2018.
Tiniyak din ng opisyal na ipagpapatuloy ng Bangsamoro Government ang pagbibigay-prayoridad sa pabahay at human settlements hindi lamang sa aspeto ng alokasyon, kundi pati sa pagbuo ng mga batas, polisiya at innovation tungo sa sustainable at inclusive housing.
Layunin ng forum na pinangunahan ng Ministry of Human Settlements and Development na iayon ang mga programa ng Bangsamoro Government sa mga inisyatiba ng mga pribadong sektor at development partners upang tugunan ang pangangailangan sa pabahay sa rehiyon, kabilang na ang mga hakbang para sa kapakanan ng mga IDPs.



Comments