Mga infrastructure projects na naisakatuparan at kasalukuyang isinasagawa sa Maguindanao del Norte at Cotabato City ang ibinahagi ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura
- Jan 7
- 1 min read
iMINDSPH

Sa taong 2025, ibinahagi ng tanggapan ni Maguindanao del Norte at Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura ang mga infrastructure projects na naisakatuparan at patuloy na isinasagawa.
Kabilang sa mga inilahad ng opisina ng mambabatas ang konstruksyon ng Multipurpose Building sa Datu Blah Sinsuat; ang nagpapatuloy na konstruksyon ng 1-storey, 2-classroom building sa Datu Mohammad A. Sinsuat Integrated Elementary School, Brgy. Pura, Datu Blah Sinsuat; ang konstruksyon ng 1-storey, 2-classroom building sa Ranao Pilayan Elementary School, Upi; ang preventive maintenance ng Davao–Cotabato Road (Digos–Cotabato Section), Sultan Kudarat; gayundin ang widening ng Pigcalagan Bridge sa Sultan Kudarat; ang konstruksyon ng 1-storey, 2-classroom building sa Alamada Elementary School, Sultan Kudarat; at ang construction ng Multipurpose Building sa Gayunga National High School, Brgy. P. Labio, Northern Kabuntalan.
Bukod pa rito ang road widening sa Cotabato–Lanao Road sa bahagi ng Sultan Kudarat; preventive maintenance ng Cotabato–Lanao Road sa bahagi ng Sultan Kudarat; ang on-going construction ng kalsada sa Brgy. Solon, Sultan Mastura; at ang konstruksyon ng Multipurpose Building sa Brgy. Solon, Sultan Mastura.



Comments