top of page

Mga istratehiya na magiging gabay ng mga kandidato at UBJP Party, inilatag sa pulong sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte na pinangunahan ni UBJP President at MILF Chairman Ahod “A

  • Diane Hora
  • Aug 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ito ang ibinahaging mga larawan ng MILFCHAIRMANOFFICIAL na kuha mula sa ginanap na pulong ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP, araw ng Linggo, August 24 na ginanap sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Pinangunahan ito ni UBJP President at MILF Chairman Ahod “Al Hajj Murad” Ebrahim.


Inilatag sa pulong ang mga istratehiya na magiging gabay umano ng mga kandidato at ng partido para sa nalalapit na kampanya para sa kauna-unahang BARMM parliamentary election sa Oktubre.


Dumalo sa pagtitipon ang mga kandidato at ang mga kasalukuyang miyembro ng BTA Parliament na kaalyado ng UBJP.


Ayon sa UBJP, mahalagang mapaghandaan ng bawat miyembro ng partido ang mga estratehiya upang mapagtagumpayan ang nalalapit na first Bangsamoro Parliamentary Election.


Pinangunahan din ni UBJP President, Ahod “Al Hajj Murad” Ebrahim ang Party Loyalty Pledge bilang pagpapatibay ng katapatan ng bawat miyembro ng District Representative sa United Bangsamoro Justice Party.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page