Mga kababaihan sa Datu Salibo, nagpapasalamat sa BARMM sa natatamasang kapayapaan at pag-unlad ng kanilang pamumuhay
- Diane Hora
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ginanap na Information, Education, and Communication (IEC) campaign ng Office of the Chief Minister (OCM) noong Miyerkules, Setyembre 10, sa Barangay Butilen ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur, inihayag ng mga kababaihan sa lugar ang pasasalamat sa BARMM government sa natatamasang kapayapaan at pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
Layunin ng caravan na bigyan ng mas malalim na kaalaman ang mga kababaihang nasa komunidad hinggil sa Moral Governance, mga programa at nagawa ng Bangsamoro Government, at ang Enhanced 12-Point Priority Agenda.
Bahagi rin ng caravan ang talakayan ukol sa kasaysayan ng Bangsamoro, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na magbahagi ng kanilang mga personal na karanasan sa panahon ng pakikibaka at ang kanilang mga pangarap para sa rehiyon.
Pinangunahan ng Strategic Communications Team (SCT) ng OCM ang community caravan alinsunod sa direktiba ni Chief Minister Abdulraof Macacua na direktang maabot ang mga komunidad sa grassroots.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng #SammyGamBARMM Moral Governance (SGMG) Dialogue Series, na sinimulan noong Setyembre 5 sa Mindanao State University-Maguindanao.



Comments