top of page

Mga kahoy na ilegal na pinutol, nakumpiska ng awtoridad sa pinakamalaking operasyon sa ilalim ng Balik Kalikasan program ng provincial government ng Basilan sa bayan ng Sumisip

  • Jan 12
  • 1 min read

iMINDSPH



Itinuturing na pinakamalaking enforcement operation sa ilalim ng Sagip Kalikasan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan ang pagkakakumpiska ng mga ilegal na pinutol na kahoy sa Sitio Sampinit, Barangay Mahatalang, Sumisip.


Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng 32nd Infantry Battalion ng 101st Infantry Brigade, Sumisip Municipal Police, at CENRO Maluso.


Ito ang pinakamalaking enforcement operation sa ilalim ng Sagip Kalikasan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan—isang patunay ayon sa provincial government ng matibay na paninindigan ng lalawigan sa pangangalaga ng kalikasan at mga kagubatan.


Pinuri ni Governor Mujiv Hataman ang agarang aksyon ng mga kasundaluhan, kapulisan, at environmental frontliners laban sa illegal logging. Ang operasyon ay pinangunahan nina Lt. Col. Gerwin Maghuyop, Commanding Officer ng 32nd Infantry “Daredevil” Battalion, at PCpt. Jakaria Muin, Chief of Police ng Sumisip.


Ang Sagip Kalikasan ay inilunsad sa pamamagitan ng EO 19, Series of 2025, isa sa mga unang direktiba ng gobernador, na layong protektahan ang kagubatan, ilog, at baybayin ng Basilan, kasabay ng pagbubukas ng mga kabuhayang maka-kalikasan para sa mga komunidad.


Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa ilegal na pagtotroso at maisampa ang kaukulang kaso. Nagbabala rin ang gobernador sa mga patuloy na lumalabag na itigil na ang ilegal na gawain bago tuluyang harapin ang buong puwersa ng batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page