top of page

Mga kawani ng GAD ng Maguindanao del Norte Provincial Government, pinulong upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga programa

  • Diane Hora
  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagharap sa pulong si Maguindanao del Norte Provincial Chief Staff Bai Shajida Biruar Mastura,at mga kawani ng PGO–Gender and Development Office at tinalakay ang kasalukuyang estado at progreso ng mga planadong aktibidad, programa, at implementasyon ng social services ng lalawigan.


Nakatuon ang pulong sa assessment ng ongoing preparations, pagtukoy ng mga areas for improvement, at pagtiyak na ang lahat ng aktibidad ay naaayon sa mga aprubadong plano at layunin ng pamahalaang panlalawigan.


Binigyang-diin ni Mastura ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa itinakdang iskedyul, gayundin ang pagbuo ng malinaw na coordination at monitoring mechanisms upang masiguro ang maayos, episyente, at napapanahong pagpapatupad ng mga programa.


Higit pa rito, iginiit niya ang halaga ng pagkakaisa at pagtutulungan sa hanay ng mga tanggapan, aniya ang tagumpay ng bawat aktibidad ay bunga ng kolektibong pagsisikap ng lahat at may direktang ambag sa pangkalahatang kaunlaran ng lalawigan.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang ganitong uri ng regular na koordinasyon ay mahalaga upang matiyak na ang mga programa ay hindi lamang napaplano nang maayos, kundi naipatutupad nang may kalidad at malinaw na resulta para sa mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page