Mga kawani ng LGU Cotabato City, patuloy na hinahasa ang kakayahan sa pagpaplano laban sa sakuha sa pamamagitan ng pagsasanay sa pangunguna ng OCD
- Diane Hora
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinasagawa ngayon ang training sa mga kawani ng Local Government Unit ng Cotabato City sa pangunguna ng Office of the Civil Defense (OCD) para mapahusay pa ang pagpaplano laban sa anumang sakuna.
Ayon sa LGU, ikinasa ito upang maisaayos ang kasalukuyang pangangailangan na nakasaad sa Local Disaster Risk Reduction and Management Plan (LDRRMP) para sa taong 2023-2028.
Iilan dito ay ang mas papaigting pa sa paglaban ng lungsod sa pabago-bagong panahon dulot ng Global Warming. Kasama rin sa paghahanda ang food security, personnel training at infrastructure investments.
Nakatakdang matapos ang naturang training ngayong Biyernes, ika-12 sa buwan ng Setyembre, taong kasalukuyan.



Comments