Mga kawani ng MOLE BARMM, sumailalim sa 3 araw na strategic workshop para pahusayin ang work plans at tiyaking handa ang implementasyon ng mga programa at serbisyo
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal ng ministeryo, bureau directors, division chiefs, provincial heads, planning focal persons, at iba pang kawani upang paghusayin ang work plans at tiyaking handa ang implementasyon ng mga programa at serbisyo ng MOLE sa buong rehiyon.
Layunin ng workshop na patibayin ang enforcement efforts ng ministeryo at ihanay ang mga plano sa pangmatagalang bisyon nito. Naghanda rin ang MOLE ng mga work plan na nakaangkla sa limang-taong pananaw simula 2027, isinasaalang-alang ang bagong aprubadong Bangsamoro Labor and Employment Code o BLEC at iba pang usaping may direktang epekto sa sektor ng paggawa.
Binigyang-diin ni Labor Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay at maaasahang statistical data tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa sa BARMM.
Aniya, mahalagang batay sa datos at konkretong impormasyon ang pagbalangkas ng mga programa, proyekto at serbisyong magpapalakas sa hanay ng mga manggagawang Bangsamoro.
Sa workshop, inilahad at tinalakay ng mga kalahok ang iba’t ibang estratehiya, program descriptions, at rekomendasyon upang matiyak na ang performance ng ministeryo ay naaayon sa mandato, target at pangmatagalang bisyon nito.
Pinangunahan ng MOLE Research, Planning and Policy Development Services (RPPDS) ang pangangasiwa ng aktibidad, na nagresulta sa mas malinaw, mas matatag at mas nagkakaisang direksyon ng ministeryo sa paglilingkod sa labor force ng Bangsamoro.
Sa pamamagitan ng masusing pagpaplano, layunin ng MOLE na higit pang mapalakas ang proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa, mapalawak ang oportunidad sa trabaho, at maitaguyod ang inklusibo at sustenableng pag-unlad sa buong BARMM.



Comments