Mga key agency, sama-sama sa coordination meeting para sa mabilis na pagsasaayos ng Malabang Airport
- Diane Hora
- Aug 29
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsama-sama sa pulong ang Bangsamoro Airport Authority (BAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Laguindingan, Ministry of Public Works (MPW), Local Government Unit (LGU) Malabang, Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE), Ministry of Transportation and Communications (MoTC) Legal team, the Air Transportation Services, at 51st Infantry Battalion, araw ng Huwebes, August 28.
Iprenisinta ng CAAP ang operational at technical requirements, at binigyang diin na kinakailangan alisin ang mga obstruction sa paliparan tulad ng mga mataas na pundo at nagsitaasang mga damo sa runway.
Hiniling din ang pansamantalang pagpapasara sa runaway ng airport upang bigyang daan ang ligtas at mabisang pagsasaayos ng airport.
Tumutok din ang usapin sa military reservation at ang pagsasagawa ng relocation survey para sa mas malinaw na airport boundaries.
Inaasahang mapapasigla ang regional connectivity at economic growth sa bahaging ito ng BARMM kapag naisaayos na ang paliparan.



Comments