Mga kwalipikadong Islamic Studies and Arabic Language o ISAL Teacher-Asatidz para sa mga Madaris sa Bangsamoro, tinatawagan ng MBHTE na magsumite ng aplikasyon kasunod ng special selection at hiring
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamamagitan ng Directorate General for Madaris Education, inanunsyo ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education na bukas na ang kanilang aplikasyon para sa special selection at hiring ng mga kwalipikadong Islamic Studies and Arabic Language o ISAL Teacher-Assatidz para sa mga Madaris sa Bangsamoro.
Ayon sa anunsyo, maaaring magsumite ng application documents ang mga interesadong aplikante sa kani-kanilang Schools Division Offices sa pamamagitan ng Madaris Division Heads, mula Enero 21 hanggang Enero 30, 2026.
Kabilang sa mga kinakailangang dokumento ang application letter, authenticated copies ng academic credentials, updated at notarized Personal Data Sheet, government-issued ID, patunay ng residency, at iba pang kaukulang sertipikasyon.
Layunin ng special hiring na mapalakas ang kalidad ng pagtuturo sa Islamic Studies at Arabic Language sa mga Madaris, at matugunan ang pangangailangan sa mga guro na may sapat na kaalaman at kasanayan sa larangan.
Hinikayat ng MBHTE ang mga kwalipikadong indibidwal na magsumite ng aplikasyon sa itinakdang panahon. Para sa karagdagang detalye at opisyal na guidelines, pinapayuhan ang publiko na sumangguni sa inilabas na memorandum ng ahensya.



Comments