top of page

Mga lokal na negosyante, patuloy sa pagdagsa sa patuloy na Business One-Stop Shop ng pamahalalang bayan ng Sultan Mastura

  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasa ikalawang araw na ng operasyon ang Business One-Stop Shop na programa ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura.


Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng mga lokal na negosyante para sa mas mabilis at mas maayos na pag-aapply at pag-renew ng kanilang business permits sa bayan.


Patuloy na bukas ang BOSS mula Enero 12 hanggang Enero 16, 2026, araw ng Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, at matatagpuan sa Municipal GAD Building sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Dito ay pinagsama-sama na ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang gawing mas episyente at maginhawa ang proseso para sa mga aplikante.


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ang lahat ng may-ari ng negosyo na samantalahin ang operasyon ng BOSS habang ito ay bukas upang makumpleto ang kanilang mga kinakailangang dokumento, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang paglago ng negosyo at kaunlaran ng ekonomiya sa bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page