Mga magagaling sa pagluluto, nagtagisan sa Cooking Contest 2026 na isinagawa ng Sultan Mastura LGU
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-23 Founding Anniversary ng Bayan ng Sultan Mastura, matagumpay na isinagawa ang Cooking Contest 2026 kung saan nagpakitang-gilas sa talento sa pagluluto ang mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay.
Ang patimpalak ay isinagawa sa pangunguna ni Mayor Datu Armando Mastura Sr, bilang isa sa mga aktibidad na naglalayong palakasin ang pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng komunidad sa selebrasyon ng bayan.
Aktibo ring sinuportahan at pinangunahan ang naturang aktibidad ni Bai Ronda Mastura, kasama ang mga katuwang sa pag-oorganisa upang maging maayos at makabuluhan ang nasabing kompetisyon.
Sa pamamagitan ng Cooking Contest, naipamalas ng bawat barangay ang kanilang husay, pagkamalikhain, at diwa ng pakikipagkaisa, isang patunay ng masiglang komunidad ng Sultan Mastura.



Comments