top of page

Mga magsasaka sa Pagalungan, MDS, nabigyan ng training at makinarya mula sa MAGSUR Provincial Government at MAFAR

  • Diane Hora
  • Oct 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang pagsasanay ay nakatuon sa produksiyon ng palay na makakatulong ayon sa provincial government ng Maguindanao del Sur upang matuto ang mga magsasaka ng mga bagong pamamaraan sa pagtatanim gamit ang PalayCheck System.

Tinuruan din sila ng tamang pagpili ng kanilang mga binhi, pamamahala sa lupa, integrated pest management, pangangasiwa ng tubig at tamang pag-aalaga at pag-iimbak ng mga inaning palay upang mas mapalakas pa ang kanilang kita.

Bukod sa training, namahagi rin ng mga makinarya, rice harvester sa mga kooperatiba ng mga magsasaka at iba pang kagamitang pang-agrikultura para sa mga magsasaka.

Nagbigay din ang OPAg ng mga sertipikadong hybrid rice seeds.

Dahil dito, hindi lamang agarang tulong ang natanggap ng mga magsasaka kundi naging mas malakas din ang ugnayan nila sa Provincial Agriculture Office, LGUs at mga magsasaka sa lugar.

Ang aktibidad ay bahagi ng “Festival of Service: GIVE HEART”, ang socio-economic development agenda ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong dalhin ang mas malawak, inklusibo at masayang serbisyo sa mga mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page