Mga magsasaka sa Sultan Mastura, MDN, nabigyan ng paddy seeds mula sa MAFAR
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang suporta sa mga magsasaka sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, namahagi ng paddy seeds sa mga benepisyaryo ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform, sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Distribution Program.
Naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan kay Mayor Datu Armando Mastura.
Ilan sa mga nakabenepisyo sa programa ang mga magsasaka mula sa mga barangay ng Tuka, Tapayan, Boliok at Tambo.
Inaasahan na makakatulong ito sa pagtaas ng ani at pag-unlad ng lokal na sektor ng agrikultura sa Sultan Mastura.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng implementasyon ng RCEF Seed Program ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice, na layuning palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga de-kalidad na inbred rice seeds sa mga lokal na magsasaka.



Comments