top of page

Mga media practitioner, kinilala at pinasalamatan ng pamahalaan ng Bangsamoro sa isang pagtitipon na pinangunahan ng Interim Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua

  • Diane Hora
  • 5 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagkita-kita ang mga miyembor ng media at communication practitioners sa Media Night 2025 na inorganisa ng Bangsamoro Information Office, bilang pagkilala sa kanilang papel sa paghahatid ng tama at responsableng impormasyon sa Bangsamoro.


Nakiisa sa okasyon si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, kung saan binigyang-diin ang pananagutan ng media sa paghubog ng mga narrative, lalo na sa isang rehiyong ang kapayapaan ay bunga ng sakripisyo, dayalogo, at reporma.


Ayon kay Macacua, sa ilalim ng moral governance, nananatiling malinaw ang paninindigan ng pamahalaan sa transparency, accountability, at tapat na paglilingkod sa mamamayan, kung saan ang media ay mahalagang katuwang sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko.


Muling kinilala ang dedikasyon ng media sa paghahatid ng wasto, may konteksto, at responsableng impormasyon sa gitna ng mabilis na daloy ng balita.


Sa huli, iginiit ang sama-samang layunin na palakasin ang pagkakaisa, pangalagaan ang mga nakamit ng peace process, at itaguyod ang isang #MasMatatagNaBangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page