top of page

Mga miyembro ng Joint Peace and Security Team, ginawaran ng DRRO at Gawad Kaunlaran medals

  • Diane Hora
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang mahalagang ambag ng mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at serbisyong makatao sa isinagawang Joint Awarding of Medals na pinangunahan ng 57th Infantry (MASIKAP) Battalion sa Camp Edwards, Barangay Mirab, nitong Enero 28, 2026.


Sa seremonya, pinarangalan ang mga miyembro ng Joint Peace and Security Team ng Gawad sa Kaunlaran at DRRO medals bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapatibay ng seguridad sa lalawigan at sa kanilang aktibong pakikilahok sa mga misyong makatao at disaster response.


Kinatawan ni Governor Datu Tucao Mastura sa okasyon si dating councilor Mohammad Kasim. Ipinahayag sa programa ang pasasalamat ng pamahalaan sa patuloy na sakripisyo at dedikasyon ng mga awardee sa paglilingkod sa komunidad.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang pagkilalang iginawad ay patunay na ang kapayapaan at kaunlaran ay bunga ng sama-samang pagkilos ng sandatahang lakas, mga katuwang na ahensya, at ng pamayanan. Sa pagkilala sa kanilang mga tagumpay, lalo pang pinatitibay ang kolektibong hangarin ng DTOM o ang Development, Transformation, at Opportunity para sa Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page