top of page

Mga Most Wanted Persons, street-level drug personalities, at sangkot sa ilegal na aktibidad, naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa South Cotabato

  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH


Nasamsam ang ilegal na droga, ilang baril ang isinuko baril at naaresto ang mga most wanted persons sa serye ng operasyon ng awtoridad.


Nagresulta ang mga operasyon sa pagkakaaresto ng ilang Most Wanted Persons sa municipal at regional level para sa paglabag sa RA 9165, RA 10591, at mabibigat na krimen gaya ng rape at statutory rape. Nasamsam din ang mga hinihinalang ilegal na droga, baril, bala, at iba pang ebidensya.


Bukod dito, naitala rin ang boluntaryong pagsuko ng mga loose firearms at ang turnover ng isang explosive ordnance, patunay ng aktibong pakikipagtulungan ng komunidad sa mga awtoridad. Mayroon ding mga naaresto kaugnay ng ilegal na pagsusugal.


Isinagawa ang lahat ng operasyon alinsunod sa itinakdang legal na proseso at may buong paggalang sa karapatang pantao.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page