Mga municipal operations office staff mula sa 12 bayan sa Maguindanao del Norte, sumailalim sa Ligtas Training na inorganisa ng MSSD-Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD)-Maguindanao del Norte ng LIGTAS PAMILYA: Conduct of Ligtas Training of the Trainers on Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) noong ika-26 hanggang ika-28 ng Enero 2026 sa Davao City.
Ang training na ito ay kinabibilangan nang mga Municipal Operations Office Staffs: Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers (MDRRMO), Municipal Planning and Development Coordinators (MPDC), at nang mga Administrative Officers mula sa labin-dalawang Munisipyo ng Maguindanao del Norte.
Tinalakay ng MSSD Regional Office ang mahahalagang paksa tulad ng Session on IDP Law at Overview on i-PART, habang nagbigay ng inputs sa Information, Education, and Communication (IEC) ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at ang Basic Life Support (BLS) session na pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), na naglalayong mahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa pagbibigay ng paunang lunas sa oras ng emergency. Sinundan ito ng Go Bag Orientation na isinagawa ng PDRRMO at Action Planning upang matiyak ang konkretong aplikasyon ng mga natutunan.
Layunin ng pagsasanay na ito ayon sa ministry na palakasin ang kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng mga Municipal Operations Offices ng Maguindanao del Norte sa usapin ng disaster risk reduction and management, partikular sa proteksyon ng mga pamilya at komunidad sa panahon ng sakuna at emergency.



Comments