MGA NAKABINBIN NA PANUKALANG BATAS
- Diane Hora
- Oct 9
- 1 min read
iMINDSPH

Muling nagpulong ang Committee on Rules ng Bangsamoro Parliament upang talakayin kung paano mapapabilis ang pagsusulong ng mga panukalang batas para sa Bangsamoro region.
Mas pinagtibay ng komite ang kanilang pagsusulong ng mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang inclusive governance, paggalang sa kultura at pangangalaga sa kalikasan.
Tinalakay sa round table discussion ang estado ng mga panukalang batas na kasalukuyang nakabinbin sa komite.
Kabilang dito ang panukala System of Initiative, na nagbibigay daan sa direktang partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng batas, implementasyon ng English-Arabic Signages, bilang pagkilala sa multi lingual at multi-cultural na pagkakakilanlan ng rehiyon, Institutionalization of Public Petitions, upang mas mapalakas ang boses ng mga ordinaryong mamamayan at tinalakay din ang Lake Lanao Management Act, na layong pangalagaan ang likas-yaman ng isa sa pinakamahalagang lawa sa bansa.
Inaprubahan din ng komite ang schedule ng mga susunod na konsultasyon na gaganapin ngayong Oktubre at Nobyembre sa Cotabato City at Tawi-Tawi.
Samantala, inaasahan namang muling magpupulong ang Technical Working Group para sa panukalang Lake Lanao Management Act upang tapusin ang pinal na rekomendasyon nito bago isalang sa plenaryo.



Comments