Mga negosyante, hinihikayat ni Governor Datu Tucao Mastura na mag-invest sa Maguindanao del Norte; pagbubukas ng maraming negosyo sa mga bayan sa probinsya, indikasyon umano ng lumalagong ekonomiya
- Diane Hora
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Isang panibagong cafe ang nagbukas sa bayan ng Sultan Kudarat. Ito ang gori.gesha.
Para sa mga coffee at frappe lover, i-try niyo na ang lasa ng arabica coffee mula Ethiopia, Africa.
Ayon kay Governor Datu Tucao Mastura, ang pagbubukas ng maliliit at malalaking negosyo sa Maguindanao del Norte at sa mga bayan na sakop nito tulad ng Sultan Kudarat ay indikasyon aniya ng lumalagong ekonomiya ng probinsya.
Ang gori.gesha ay matatagpuan sa tabi ng national highway ng Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.



Comments