Mga numerong dapat tawagan sa oras ng emergency, ibinahagi ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa mga residente ng lalawigan
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga opisyal na Operations Center at municipal emergency hotline numbers na makikita niyo sa inyong mga screen upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa oras ng sakuna at iba pang emergency.
Bilang bahagi ng adbokasiya sa kahandaan at kaligtasan ng mamamayan, hinihikayat ang publiko na i-save at panatilihing madaling ma-access ang mga emergency hotline numbers na makikita sa mga inilathalang poster.
Ang mga numerong ito ay magsisilbing direktang ugnayan sa oras ng sunog, aksidente, biglaang karamdaman, kalamidad, at iba pang hindi inaasahang pangyayari na nangangailangan ng agarang tulong.
Sa pamamagitan ng wastong impormasyon at maagap na pagkilos, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang isang ligtas, handa, at matatag na komunidad bilang bahagi ng Serbisyong Mapadtimbang para sa mamamayan.



Comments