top of page

Mga opisyal ng Datu Hoffer LGU at mga barangay officials, pinulong ni Governor Datu Ali Midtimang kaugnay sa pagkakapaslang sa isang IP leader sa bayan; Pamilya ng nasawing lider, dumalo rin sa pulong

  • Diane Hora
  • Oct 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimang ang pulong ngayong araw sa pagitan ng mga opisyal ng AFP, PNP at mga opisyal ng Datu Hoffer LGU hanggang sa mga opisyal ng barangay.


Ito ay kaugnay sa pagpaslang sa IP leader na si Roman Lupos.


Kasama rin sa pulong ang mga IP leaders at pamilya ng biktima.


Sa impormasyon na ibinahagi ni MP Froilyn Mendoza, kukuha lang sana ng saging ang biktima sa pagmamay ari nitong lupain ng pugutan ito ng mga hindi pa kilalang mga suspek.


Ayon sa mambabatas, ang biktima ang isa sa mga natitirang IP lider sa Barangay Limfongo Datu Hofer.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page