Mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang pamilya sa probinsya, dagsa sa mga bus terminal
- Dec 31, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Ngayong huling araw ng Disyembre, dagsa pa rin ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Cotabato City habang patungo sa kani-kanilang mga bayan at probinsya.
Sa kabila ng dami ng tao at init ng panahon, marami ang nahihirapan dahil sa limitadong bilang ng mga sasakyang pampubliko, lalo na ngayong rush hour bago sumapit ang Bagong Taon.
Ayon sa ilang pasahero, simula pa alas-siyete ng umaga ay wala pa silang nasasakyang bus.
Samantala, sinabi ng pamunuan ng bus terminal na normal ang ganitong pagkaantala tuwing rush hour dahil sa rotation at scheduling ng mga bus.
Pinayuhan din nila ang mga pasahero na magtiyaga at planuhin ang kanilang biyahe, habang ginagawa ng mga tauhan ang lahat upang masiguro na maihatid ang bawat pasahero sa kani-kanilang destinasyon nang ligtas.
Sa mga piling bus terminal sa lungsod, simula alas-siyete ng umaga hanggang alas-onse ng tanghali, may ilan pa ring pasaherong hindi pa nakasakay.
Bukod dito, dinagdagan pa ng matinding init ng panahon ang hirap na nararanasan ng mga pasahero. Marami ang nagreklamo sa pagkaantala ng kanilang biyahe.
Ayon sa pamunuan ng mga bus terminal, ang pagkaantala ay normal tuwing rush hour at may kinalaman sa rotation at scheduling ng mga bus.
Inaasahang matatapos ang last trip bandang alas-singko ng hapon ngayong araw, at muling babalik sa regular na operasyon ang mga bus bukas.
Nanawagan naman ang pamunuan ng mga bus sa mga biyahero na magplano nang maaga, maging maingat sa kanilang paglalakbay, at sumunod sa mga patakaran sa terminal.



Comments