Mga pasyente ng Buluan District Hospital, agad inilikas ng PDRRMO at MDRRO kasama ang PNP at BFP patungong kapitolyo matapos pasukin ng baha ang pagamutan
- Diane Hora
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Agad inilipat ang mga pasyente ng Buluan District Hospital sa provincial capitol kasunod ng pagragasa ng baha sa pagamutan at ilan pang lugar sa bayan ng Buluan, kagabi.
Sa direktiba ni Governor Datu Ali Midtimbang at Vice Governor Hisham Nando, sanib pwersa ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Buluan, kasama ang PNP-SAF, at BFP sa paglikas at paglipat sa mga pasyente sa kapitolyo.
Agad ding namahagi ng hot meals ng pamahalaang panlalawigan sa tulong ng PGSO MDS, gayundin ang pamamahagi ng sleeping kits, at hygiene kits.



Comments