Mga proyektong pang imprastruktura ni Cong. Bai Dimple Mastura sa mga bayan sa kanyang distrito, nagpapatuloy
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Sa mga bayan ng Buldon, Barira, Matanog, at Parang, tuloy-tuloy ang mga ongoing at natapos na imprastraktura na direktang nagpapabuti sa araw-araw na pamumuhay ng mga residente
Sa ilalim ng pamumuno ni Bai Dimple Mastura, isinakatuparan ang mga proyektong kinabibilangan ng pinaganda at pinalawak na mga kalsada, multi-purpose buildings, at maaasahang water systems—mga serbisyong layong palakasin ang konektividad, kabuhayan, at kalidad ng buhay sa mga komunidad.
Ayon sa mga opisyal at residente, malinaw na ang hatid ng mga proyektong ito ay abot, konkreto, at pangmatagalan, lalo na para sa mga lugar na matagal nang nangangailangan ng imprastrakturang magsisilbing tulay sa kaunlaran.
Sa Iranun Districts, ang kaunlaran ay hindi na lamang pangako—ito ay aktwal na nararanasan ng mga mamamayan. Patunay umano ito ng pamumunong may malasakit at serbisyong nakatuon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.



Comments