top of page

Mga prutas na hugis bilog, patok sa mga mamimili para ihanda sa Media Noche o sa pagsalubong ng Bagong Taon

  • Dec 31, 2025
  • 2 min read

iMINDSPH



Patuloy ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga palengke ngayong araw upang humabol sa paghahanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon.


Patok, siyempre, ang mga prutas na hugis bilog.


At sa halip na bumili ng mga prutas na nakaayos na sa basket, mas pinipili ng marami ang pagbili ng paisa-isa. Mas praktikal umano ito, mas pasok sa badyet, at ayon sa kanilang panlasa.


Sa pag-iikot ng news team, ang naka-set na 13 prutas o mga prutas na nakalagay sa basket ay nagkakahalaga mula ₱300 hanggang ₱350, depende sa laki at uri ng mga prutas na kasama. Gayunman, may mga mamimili pa ring mas pinipiling bumili ng tingi-tingi upang makontrol ang gastos.


Dagdag pa ng mga nagbebenta, magkakaiba pa rin ang presyo ng mga prutas depende sa uri, laki, at suplay, ngunit inaasahang magiging tuluy-tuloy ang bentahan bago maghatinggabi.


Narito ang listahan ng presyo ng mga prutas upang magsilbing gabay sa huling minutong pamimili para sa Media Noche:


Ang mangga ay ₱100 per kilo

Ang apple ay ₱25 per piece

Ang papaya ay ₱20 per kilo

Ang kiat-kiat ay ₱100 ang balot

Ang Chinese melon ay ₱40 per kilo

Ang Chinese pomelo ay ₱80 per kilo

Ang grapes ay ₱100 per kilo

Ang pineapple ay ₱60 per kilo

Ang singkamas ay ₱50 per kilo

Ang rambutan ay ₱40 per kilo

Ang watermelon ay ₱50 per kilo

Ang bayabas ay ₱40 per kilo

Ang ponkan ay ₱10 per piece

Ang avocado ay ₱100 per kilo

Ang kiwi ay ₱40–₱50 per kilo

Ang mangosteen ay ₱150 per kilo

Ang peras ay ₱20–₱30 per kilo

At ang green grapes ay ₱300 per kilo


Sa kabila ng pagbabago sa paraan ng pamimili at mas maingat na pagbabantay sa gastos, nananatiling buhay ang tradisyon ng paghahanda ng mga prutas na hugis bilog tuwing Media Noche. Para sa marami, hindi lamang ito paniniwala sa suwerte, kundi simbolo rin ng pag-asa, kasaganahan, at masaganang pagsalubong sa Bagong Taon.


Sa praktikal na pamimili at tamang pagpili, posible pa ring maging masaya at makabuluhan ang salu-salo ng pamilya ngayong Bagong Taon—patunay na kahit simple, basta’t sama-sama, tunay pa ring masarap ang pagsalubong sa 2026.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page